ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PEKE?

Binebentang tawilis ng ilang manininda, ibang uri daw ng isda


Inamin ng ilang nagtitinda sa Farmers Market, Cubao nitong Biyernes na ang kanilang paninda na naka-label bilang "tawilis" ay iba palang uri ng isda.

Ang ibinebenta nilang salinyasi, halos walang ipinagkaiba sa itsura ng tawilis na itinuring na bilang endangered species.

Paliwanag ng isang tindera sa ulat ni Marisol Abdurahman sa "State of the Nation with Jessica Soho": "Parang hindi po kilala dito (ang salinyasi). Kilala po talaga tawilis 'yan."

Ayon pa sa isa: "Kasi nga po, 'yun (tawilis) 'yung alam ng publiko."

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), tila hindi raw mapapansin ang pigkakaiba ng dalawang isda maging sa lasa.

Tulad ng tawilis, makintab rin ang kaliskis ng salinyasi at halos pareho rin ang laki nito.

"Walang masyado kung itsura po. Mahirap po hanggang hindi kayo bihasa sa pagtingin. Hindi po nano-notice ang difference ng lasa," sabi ni Francisco Torres, Jr., agriculturist ng National Fisheries and Development Institute.

Subalit mali raw ang pag "mislabel" ng mga paninda.

"Ang masama lang doon, mislabelling kasi wrong species 'yun," dabi ng Torres. —NB, GMA News