Filtered By: Topstories
News

10 pangolin sa loob ng drum, nasagip ng DENR sa Palawan


Sampung pangolin na nakasilid sa drum ang nasagip ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources sa Taytay, Palawan noong Biyernes.

Arestado naman ang mangigisdang si Danilo Demular, na nangongolekta daw ng mga pangolin na itinuturing na critically endangered species.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Wildlife Act si Demular habang pinakawalan na sa gubat ang mga pangolin.

Sinasabing binibenta ni Demular ang mga pangolin sa halagang P1,500 per kilo. Ibinebenta daw ng kanyang mga kamag-anak ang mga pangolin sa isang Chinese na taga-Mindoro. —NB, GMA News

Tags: pangolin, denr