Filtered By: Topstories
News
LOOK

Quezon Province, ipinagdiriwang ang Niyogyugan Festival


Ipinagdiriwang ngayon sa lalawigan ng Quezon ang makulay at masayang Niyogyugan Festival, parte ng paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel Luis Quezon.

Ang niyog ang pangunahing pinagkakakitaan ng malaking bahagi ng populasyon kaya dito umiikot ang tema ng selebrasyon.

Itinampok ang makukulay na kasuotan sa ginawang street dancing competition ng mga kabataan mula sa ibat-ibang bayan ng probinsya. Ang magarbong kasuotan ay yari sa indigenous materials na karamihan ay galing sa puno ng niyog.

Ipinagmamalaki ng lalawigan ng Quezon ang malalim nilang pagmamahal sa sining at kultura at pagpapanatili nito para sa susunod na henerasyon.

— Peewee Bacuño/BM, GMA News