Pinakamataas na burol sa Chocolate Hills
Ang Chocolate hills ang isa sa pangunahing atrasyon sa lalawigan ng Bohol. Pero alam niyo ba kung ilan talaga ang pulutong ng mga burol na ito at saan makikita ang pinakamataas na burol upang matanaw ang ganda ng tanawin.
Tinatayang 1,268 ang pulutong mga burol na mas kilala sa tawag na Chocolate hills. Nakakalat pinakamaraming burol sa bayan ng Carmen, Butuan at Sagbayan. Ilan din ang makikita sa bayan ng Bilar, Sierra Bollones at Valencia.
Ang pinakamataas na burol ay tinatayang may taas na 120 meters sa bayan ng Carmen kung saan nakatayo ang Chocolate Hills Complex. Sa taas ng burol na ito, makikita at pwedeng bilangin mula sa tuktok ang iba pang burol.
Ang mga burol ng Chocolate hills ay gawa sa limestone taliwas sa alamat na may dalawang higante na nagbatuhan ng putik kaya nabuo ang pulutong ng mga burol. - GMANews.TV