Handa ba pumasok ang anak mo araw-araw?
Balik eskwela season na naman! Kaya ang mommies, abala ulit sa paghahanda ng kanilang mga chikiting para sa bagong school year. Pero bukod sa mga school requirement tulad ng uniform, libro, bag, at baon, may isa pang napaka-importanteng dapat ihanda para sa school: ang kalusugan ng anak!
Marami ang pwedeng maka-apekto sa kalusugan ng mga bata gaya ng pabago-bagong panahon na maaaring magdulot ng sakit. Kaya maglagay ng proteksiyon sa kanilang bag gaya ng payong at kapote para handa sila sa anumang panahon.
Isa pang bagay na dapat bigyan ng pansin ay ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon. Napakaraming bata ang apektado sa kakulangan nito. Ayon sa survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology o FNRI-DOST, maraming bata ang kulang sa Iron, Zinc, at Vitamin C. Ang tawag dito ay Micronutrient Deficiency. Kapag ang anak niyo ay may Micronutrient Deficiency, maaari siyang maging sakitin, laging pagod, at matamlay na pwede maging dahilan para mapadalas ang pagiging absent niya sa school.
Kaya mahalaga ang pagbibigay ng masustansiya at balanseng pagkain at inumin sa mga bata araw-araw. Ang payo ng FNRI-DOST, dapat bigyan ang mga bata ng prutas at gulay at painumin ng gatas araw-araw para makuha nila ang sustansiyang kailangan ng kanilang lumalaking katawan.

At siyempre, pagdating sa gatas, dapat yung fortified dahil ito ay may dagdag na sustansiya para sa katawan ng mga bata. Bigyan sila ng BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk Drink dahil ito ay may tibay resistensya nutrients gaya ng 100% Vitamin C, high level of Zinc, at halos 3X more available Iron sa bawat baso. Ito ay pinag-aralan na napatunayang tulong laban sa Micronutrient Deficiency. Dapat ang tibay always present para di magabsent. Painumin ng BEAR BRAND® Fortified Powdered Milk Drink ang mga bata araw-araw.