Filtered By: Topstories
News
LOOK

Buwig ng saging, umabot ng walong talampakan ang taas


Isang buwig ng saging na mas matangkad pa sa tao ang usap-usapan ngayon sa Kalinga. Puwede rin tikman ang bunga nito.

Sa GMA News "Balitanghali" nitong Miyerkoles, sinabing tumubo ang buwig sa Tabuk City, na aabot sa mahigit walong talampakan ang taas.

Hitik ito sa bunga, at nahihinog na ang mga saging na nasa tuktok nito.

Puwede raw bisitahin at dayuhin ang buwig ng saging. —Jamil Santos/NB, GMA News

 

Tags: banana