Imbestigasyon ng Senado sa kontrata ng ZTE itutuloy - Cayetano
Pinabulaanan ni Sen Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate blue ribbon committee ang balitang nagiging malambot siya sa imbestigasyon ng $329.48-milyong kontrata ng Zhong Xing Telecommunications Equipment ng China sa national broadband network (NBN) project. Nilinaw ni Cayetano na ipagpapatuloy ng Senado ang imbestigasyon sa umano'y maanomalyang kasunduan subalit wala ng live television broadcast sa pagdinig. Ipinag-utos ni Cayetano ang hindi pagsasahimpapawid ng imbestigasyon upang makalikom ng sapat na dokumento ang komite at makapagtanong ng tama sa mga iimbitahan sa mga susunod na pagdinig. "You can only ask the right questions if you have the right documentation. That's the way real investigations are done. Not all investigation is done in front of the cameras," pahayag ni Cayetano. Sa âoff camera" investigation ng Senado, ang technical working groups (TWGs) ng Senate blue ribbon committee ay magsasagawa ng background checks at kukuha ng mga dokumento na may kaugnayan sa imbestigasyon, ayon kay Cayetano. "Only part of the investigation is aired on live television. The bigger half is behind the scenes. The blue ribbon committee staff will get documents and conduct interviews while the senators are away," pahayag ni Cayetano sa panayam ng dzBB radio nitong Huwebes. Sinabi ni Cayetano na tatawagan ng TWG ang mga posibleng testigo at kukumpirmahin ang impormasyon na makakalap sa pamamagitan ng e-mail, tawag sa telepono at text messages na ipadadala sa Senado. Bibigyan ni Cayetano ng 10 hanggang 15 araw ang TWG upang tapusin ang âgroundwork," kabilang na ang pagkuha at pagsuri ng mga dokumento. "TWG members will talk to industry players and ask them about costings. In effect, they will hold their own mini-investigations. They will verify leads such as so-and-so meeting at this or that restaurant. They will talk to the waiters and managers to check the information," ayon kay Cayetano. Wala pang nakatakdang pagdinig ang Senado tungkol sa kontrobersyal na ZTE contract sa buwan ng Oktubre. Ilang senador ang pupunta sa Belgium upang dumalo sa taunang pagpupulong ng Inter-Parliamentary Union (IPU) bago matapos ang buwan. - "We are going full steam with this investigation. I ask from NGOs (non-government organizations) just a little benefit of the doubt," dagdag ni Cayetano. Samantala, nainis si Cayetano sa kapwa niya senador na si Ana Maria Consuelo "Jamby" Madrigal matapos akusahan siya nito na naimpluwensiyahan ng isang âpowerful businessman" kayaât natigil ang imbestigasyon. Mas gusto diumano ni Madrigal na isagawa ang pagdinig sa harap ng television cameras, ayon kay Cayetano, bagamat aminado ang senadora na wala siyang bagong testigo na ihaharap sa susunod na linggo. Samantala, nananatiling maysakit pa rin si Romulo Neri, dating director general ng National Economic and Development Authority, kaya hindi ito makadadalo sa anumang pagdinig sa linggong ito. "We don't have time for their kind of on-cam investigation and we don't have 12 hours to ask the same people the same questions. Besides, I consulted with them and they said they had no new witnesses to present," ayon sa baguhang senador. Sinabi din ni Cayetano na may mga nagtatangkang manggulo sa samahan niya at ng opposition bloc na pinangungunahan ni minority leader Sen Aquilino Pimentel Jr. Kabilang sa Pimentel-led bloc sina Madrigal at Sen. Panfilo Lacson. Naganap diumano ang hidwaan sa pagitan nila sa pagbubukas ng ika-14 na Kongreso kung saan sinuportahan niya at ni Sen Francis Escudero si Sen Manuel Villar Jr para maging Senate President. Inamin din ni Villar ang sinabi ni Cayetano na may mga sumusubok paghiwalayin ang alyansa ng ilang senador. "Someone is trying to discredit us. For my part, I haven't even talked to the businessman they are referring to," ayon kay Vllar. - Mark J. Ubalde, GMANews.TV