Mayo 13, 1903 nang pumanaw ang bayaning lumpo pero maprinsipyo
Ngayong Mayo 13 ang araw ng paggunita sa kamatayan ng bayaning lumpo at "utak ng rebolusyon" laban sa mga Kastila na si Apolinario Mabini. Pero alam ba ninyo na hindi naging mabuti ang pagtrato sa kanya sa mga huling taon ng kaniyang buhay at naging biktima rin siya ng tsismis?
Isinilang si Mabini noong July 23, 1864 sa Tanauan, Batangas.
Sa kabila ng kaniyang kapansanan dahil sa sakit na polio, buo ang paninindigan ni Mabini para sa kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga mananakop na Kastila, at nang lumaon ay mga Amerikano naman.
Itinuturing siyang utak ng rebulasyon laban sa mga Kastila, at binalangkas niya ang kauna-unahang ng Konstitusyon ng Pilipinas para sa pamahalaan ni Emilio Aguinaldo.
Siya rin ang itinalagang unang Prime Minister at unang kalihim ng Ugnayang Panlabas ng pamahalaang Aguinaldo.
Dahil sa kaniyang pagmamatigas para sa kalayaan ng bansa sa halip na maging Estado ng Amerika, pilit siyang siniraan at kumalat ang tsismis na syphilis, isang sexually transmitted disease, ang dahilan ng kaniyang pagkalumpo at hindi polio.
Dahil sa ilang artikulo na isinulat niya kinalaunan laban na rin sa gobyerno ni Aguinaldo at sa Amerika, ipinadakip siya noong 1899 sa Cuyapo, Nueva Ecija at ipinatapon sa Guam noong 1901.
Nang bumalik siya sa Pilipinas noong 1903, nanirahan siya sa Pandacan sa Maynila kung saan laganap noon ang cholera, na naging sanhi ng kaniyang kamatayan sa edad na 38. -- FRJ, GMA News
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us