Filtered By: Topstories
News
HEALTH TIPS

Alamin ang tamang paraan para mag-goodbye ang bilbil sa tiyan


Maliban sa isa sa palatandaan ng kaseksihan ang pagiging maliit ng tiyan, nagiging indikasyon din ito ng magandang kalusugan ng tao. Alamin sa programang "Pinoy MD" ang tamang paraan upang mawala ang bilbil sa tiyan.

Kung hindi epektibo ang diet at exercise na ginagawa para mawala ang bariles sa tiyan, posibleng mali ang iyong pamamaraan.

Ayon din sa "Pinoy MD," may dalawang uri ng taba sa tiyan na tinatawag na "subcutaneous fat " at "visceral fat."

Ang "subcutaneous fat" ay taba na kayang pisilin at nasa ilalim lang ng balat kaya mas madali pang paliitin.

Habang mas mahirap namang paliitin na ang "visceral fat" dahil ang taba na ito ay bumabalot na umaga sa organs.

Bukod dito sa mahirap paliitin ang "visceral fat," ang taong mayroon nito ay mas mataas umano ang peligro sa mga karamdaman tulad ng sakit sa puso at diabetes.

Para malaman ang tips para sa tamang pag-ehersisyo at wastong diet upang mawala ang bilbil, panoorin ang video:



Click here for more of GMA Public Affairs videos:


-- FRJ, GMA News