Filtered by: Topstories
News

3, sugatan sa 7.2 magnitude na lindol sa GenSan


Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Sarangani at mga kalapit nitong lalawigan nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni Victoria Tulad sa GMA news "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing dakong 4:30 a.m. nang maganap ang lindol.

Ayon sa Phivolcs,  nasa silangan ng General Santos City ang sentro ng lindol, na nagdulot ng mga pinsala sa mga apektadong lugar.

Isang lumang gusali na itinayo noon pang 1970's ang gumuho.

Tatlo ang iniulat na nasugatan sa bayan ng Glan, at napinsala rin ang pantalan nito.

Sa video ng isang Youscooper, makikita ang paglabas ng mga pasahero ng isang bus nang lumindol.

Napatakbo rin ang ilang residente dahil sa takot at nawalan din ng kuryente.

Naglabas ng babala ang Phivolcs sa posibleng tsunami pero inalis din nila kinalaunan.

Nagsasagawa naman ng pagsusuri ang mga disaster official sa pinsala ng lindol at kaagad daw na bibigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng pagyanig. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT