Filtered By: Topstories
News
Security guard sa Cebu, magtatapos ng Philosophy tungo sa pagpapari
Nalalapit nang maisakatuparan ng isang dating security guard ang kanyang pangarap na maging pari sa kanyang pagtatapos ng kursong Philosphy sa susunod na buwan, dahil apat na taon na lamang sa Theology ang bubunuin niya bago magiging isang ganap na pari.
Sa ulat ng "Unang Balita," sinabing ang dating security guard na si Jake Barcenas, na tubong Carcar City sa lalawigan ng Cebu, ay papasok na sa kanyang formal theological studies sa San Carlos Major Seminary sa Cebu.
Bago naging estudyante ng Philosophy, apat na taon siyang nagsilbing guwardiya sa Archdiocesan Shrine of San pedro Calungsod.
Dito raw nabuo sa kanyang sarili ang pagnanais na maging alagad ng Diyos at nagpasyang pumasok sa seminaryo. —LBG, GMA News
More Videos
Most Popular