Filtered By: Topstories
News

Ilang bahagi ng Mindanao, lubog sa baha sanhi ng malalakas na ulan


Binabaha ang ilang mga lugar sa Mindanao dahil sa walang tigil na pag-ulan, na ayon sa PAGASA, dala ng "tail-end" of a cold front."

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes ng umaga, umapaw ang isang bahagi ng Surigao River at apektado ang Surigao City, na kasalukuyang bumabangon mula sa sunod-sunod na malalakas na lindol. 

Lumubog sa baha ang ilang mga palayan, kabahayan at paaralan ng lungsod.

Samantala, ekta-ektaryang taniman ng mais at mga gulay ang lubog din sa baha sa bayan ng Mahayag, Zamboanga del Sur dahil sa pag-apaw ng Salug Daku River, ayon sa ulat.

Umabot naman sa critical level ang tubig sa Pulangi River sa Kabacan, Cotabato dahil rin sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan, dagdag nito. —LBG, GMA News