Perang ninakaw sa isang lola, ibinalik ng kawatan; nag-iwan pa ng sulat para mag-sorry
Isang lola ang ninakawan ng pera sa kaniyang bahay sa Currimao, Ilocos Norte. Pero pagkalipas ng isang araw, may nagbalik ng kaniyang pera at may kasama pang sulat.
Sa ulat ng GMA News TV's "Saksi" nitong Biyernes, sinabing nagsumbong sa mga pulis si lola Lilia Tacolog nang mawalan siya ng P1,000.00 sa loob ng kaniyang bahay.
At para matukoy kung sino ang magnanakaw, nagpasya ang mga pulis na kolektahin ang fingerprints sa bintanang dinaanan ng kawatan at ikukumpara sa fingerprint ng anim na kaanak.
Pero hindi pa natatapos ng mga pulis ang imbestigasyon nang biglang may nagbalik ng pera ng biktima at may kasama pang sulat.
Nakasaad umano sa sulat ang paghingi ng paumanhin ng kawatan sa biktima, na tinawag niyang "tita."
Nakiusap din ito na huwag na sanang ipatuloy pa sa mga pulis ang ginagawang imbestigasyon, na pinagbigyan naman ng biktima.
Hinala ng pulisya, natakot ang kawatan na matukoy siya sa ginagawa nilang imbestigasyon kaya inunahan na sila sa pamamagitan ng pagsasauli ng kaniyang ninakaw sa nakatatanda. -- FRJ, GMA News
Need a wellness break? Sign up for The Boost!
Stay up-to-date with the latest health and wellness reads.
Please enter a valid email address
Your email is safe with us