Ilang patay na malalaking isda, nakita sa iba't ibang bahagi ng bansa
Ilang malalaking isda ang nakitang patay sa iba't ibang bahagi ng bansa sa nakalipas na ilang araw.
Sa kagaratan ng Zamboanga City, nakitang patay at lumulutang ang isang sunfish o "mola-mola" na nagsisimula na raw maagnas.
Ang naturang isda na karaniwang makikita sa malalim na parte ng dagat ang ikalawang mola-mola na natagpuang patay umano sa lugar ngayong linggo.
Posible umanong naapektuhan ang mga isda ng paggalaw sa ilalim ng tubig.
Isang malaking mola-mola naman ang nakitang lumalangoy sa mababaw na bahagi ng dagat sa Boac, Marinduque nitong Miyerkules ng umaga.
Namatay din umano kinalaunan ang naturang isda na tinatayang 5.41-foot ang laki.
Isang Sunfish o Mola ang napadpad ng buhay sa baybayin ng Tabigue, Boac, Marinduque kanina. Nanghihina na ito at namatay rin @gmanews @dzbb pic.twitter.com/6nupZBIanl
— hero peewee bacuño (@hero_peewee) March 1, 2017
Sa Malangas, Zamboanga Sibugay, isang patay na Cuvier's beaked whale ang napadpad sa baybayin nitong Martes.
Isang patay na Cuvier's beaked whale ang napadpad sa baybayin ng Malangas, Zamboanga Sibugay nitong Martes. (Mariz Visto) @gmanews @dzbb pic.twitter.com/zP4sIOqczg
— hero peewee bacuño (@hero_peewee) March 1, 2017
May napadpad din na 'di matukoy na naagnas na malaking isda sa baybayin ng Salvacion, Tandag City, Surigao Del Sur.
Napadpad kanina sa baybayin ng Salvacion, Tandag City, Surigao Del Sur ang hindi pa matukoy na nilalang mula sa karagatan. @gmanews @dzbb pic.twitter.com/bfJ1qzElHF
— hero peewee bacuño (@hero_peewee) March 1, 2017
Isang naaagnas naman na dolphin ang natagpuan sa dalampasigan sa bayan ng San Agustin sa Romblon.
Ayon sa mga residenteng nakakita, may mga sugat ang dolphin na halos anim na talampakan ang haba.
Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang iba pang malalaking patay na isda na nakita sa iba't ibang bahagi ng bansa gaya ng oarfish na karaniwang nakikita rin sa malalim na bahagi ng dagat.
-- Peewee Bacuño/FRJ, GMA News