Filtered by: Topstories
News
PINOY TRIVIA

Alamin kung kailan naganap ang huling malakas na lindol sa Surigao Del Norte


Ilang buhay ang nasawi at nagdulot ng matinding pinsala ang magnitude-6.7 na lindol na yumanig sa Surigao del Norte nitong Biyernes. Pero alam ba ninyo kung kailan huling naranasan ng mga residente ng lalawigan ang katulad na kasing lakas na lindol?

LOOK: Magnitude-6.7 quake damages several structures, roads in Surigao

July 1879 nang huling maranasan sa katimugang bahaging ng Surigao del Norte ang magnitude-6.9 na lindol na nagdulot din ng matinding pinsala nang panahon iyon.

Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum,  ang naranasang pagyanig ng lupa nitong Biyernes ng gabi ay naganap sa hilagang bahagi ng lalawigan, na ang fault line ay matagal na rin umanong hindi gumagalaw.

Batay sa hazard map  ng PHIVOLCS, mayroong fault lines na dumadaan sa Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Butuan City. --Rie Takumi/FRJ, GMA News