Filtered By: Topstories
News

Racist rant video ng isang babae sa kapitbahay niyang Pinoy, viral


Naging viral ang video sa ginawang pang-iinsulto ng isang babae sa kaniyang kapitbahay sa Las Vegas, Nevada na may lahing Pilipino.

Mismong ang Pinoy na biktima ng racist rant na si Dexter Manawat ang kumuha ng video na una niyang ini-upload sa kaniyang Facebook account, at ginamit na rin ng ibang netizen at media.

Sa video post ng @MicMedia na mayroon nang mahigit 2.6 milyon views, maririnig ang masasakit at mapang-insultong salita na binitawan ng babae laban kay Manawat at sa mga kababayan nito.

Kabilang sa mga binitiwang salita ng babae ay ang pagtawag sa pinanggalingan ni Manawat na, "From some piece of sh_t, Manila-ass, f--cking ghetto living under a f--cking tarp piece of sh_t land."

Tinawag din niya si Manawat at mga kababayan na, "orange savages."

"You guys can blowoff more fireworks like you've never seen fire before because you're so f__cking stupid. You're like orange savages, like you've never seen anything before," patuloy na pang-iinsulto ng babae habang hawak ang pangwalis ng mga dahon.

Sinasabing ang ugat ng inis ng babae ay paglilinis lamang ng tuyong dahon na bumabagsak mula sa mga puno sa kanilang lugar.

Sa FB account ni Manawat, inalis na niya ang naturang video at pinalitan ng mensahe.

"I have decided to remove the infamous 'rant' video from my page. When this video was put out, my intentions really was to reach out to my neighbor and protect my family. As absurd as that sounds, it was hard to approach her even though she lived right across from me," paliwanag niya.

"I wanted to reach out to her and thru all her hatred, to tell her that how she berates me, my family, and my culture is not right. I had to protect my family, because we all know how evil and hate can overpower a person. Put those 2 together, I worried for the safeness of my family. So, the video was put out and now what I was hoping for has happened. It has reached her. She is now aware of her wrong doings," dagdag niya.

-- FRJ, GMA News