Filtered By: Topstories
News

Mangingisda, sugatan matapos makagat ng pating


Nasugatan at dinala sa ospital ang isang mangingisda sa General Santos city matapos atakihin ng pating.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Huwebes, sinabi ni Pepito Jimena na sumabit ang pating sa kanilang lambat habang nangingisda.

Hindi na raw bago sa kanya ang makakita ng pating sa dagat sa loob ng dalawang dekada niyang pangingisda pero ngayon lang daw siya inatake.

Nagtamo ng sugat sa kaliwang paa ang biktima.

Ang pating na nangakat kay Jimena, pinatay at kinatay naman daw ng kasamahan niya.

Tumitimbang daw ng 50 kilo ang nasabing pating. -- FRJ, GMA News

Tags: sharkattack