Filtered by: Topstories
News

Pagmumura at paninigaw sa isang babaeng pasahero, huli sa video


Nakunan ng video ang pagmumura at paninigaw ng isang lalaki sa isang babaeng estudyante sa loob ng isang pampasaherong FX van.

Sa ulat ng Unang Balita, naging viral ang video na nai-post sa internet ng isang kapwa pasahero sa naturang van.

Kuwento ng babaeng nag-post ng video, pasakay pa lang ng FX ang isang lalaki at ang kanyang asawa nang sigawan niya ang estudyanteng babe na nasa may pinto ng sasakayan dahil hindi raw siya makadaan.

Hindi pa nakuntento ang lalaki at pinagmumura pa ang estudyante habang nasa gitna ng biyahe.

Paulit-ulit din na sinabi ng lalaki na may malaki siyang problema.

Bagamat hindi makita sa video, sinabi ng nag-post na bago bumaba sa sasakayan ang lalaki, sinuntok pa umano ang estudyante.

Naiyak na lang sa takot ang babae pagkaalis ng lalaki.

Ayon sa babaeng kumuha na nagpasya siyang i-post ang video sa social media upang matulungan ang biktimang estudyante. — LBG, GMA News

 

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
LOADING CONTENT