Filtered By: Topstories
News

7 ektaryang gulayan sa Dumaguete City, nalalanta dahil sa El Niño


Nangalanta ang mga pananim na gulay sa may pitong ektaryang gulayan sa Dumaguete City dahil sa epekto ng umiiral na El Niño.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabi ni Victor Camion na kabilang sa mga nalalantang mga pananim na gulay ay ampalaya at kamatis. Nalalanta rin umano ang mga mais ng taniman.

Dagdag ni Camion, malaking bahagi ng nabanggit na pitong ektaryang gulayan ay walang irigasyon.

Tinataya ng city agriculture office na aabot na sa P1 million ang halaga ng pinsala ng tagtuyot.

Humihingi na umnao ng tulong ang mga apektadong magsasaka doon, pahayag ni Camion.

Ayon naman sa agricultural production coordinating office ng Negros Oriental, maaaring maka-claim ang mga apektadong magsasaka ng crop insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation. — LBG, GMA News