Maliit na kabayo, nagbibigay-saya sa loob ng children’s ospital sa NY
Ang kabayong si Honor. —photo from Reuters
Hindi lamang saya kundi paggaling din umano ng mga bulilit sa Mount Sinai Kravis Children's Hospital sa New York ang dala ng isang maliit na kabayo sa naturang pagamutan.
Ayon sa ulat ng Reuters, tuwang-tuwa ang mga bata kay Honor, ang maliit na kabayo na umano'y nagdudulot din ng paggaling sa mga paslit na may sakit.
Si Honor ay 31 inches lamang ang taas—wala pang three feet.
Naka-schedule lamang ang pagbisita ni Honor sa ospital kaya inaabangan talaga ng mga bata ang pagdalaw ng "little pony."
—Reuters
Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Diane Rode, ang head ng child creative arts therapy unit ng ospital, nakapagdadala si Honor ng "different energy to the hospital environment."
"For us and for her it is something we are very grateful for. Because being with this kid is hard I work every day. So these little things makes us really happy," dagdag ni Rode — LBG, GMA News