Filtered By: Topstories
News
Batang may halos 200 ngipin, sumalang na sa paunang operasyon
Sumailalim na sa paunang operasyon ang siyam na taong gulang na lalaki sa Cebu City na may pambihirang dami ng ngipin na halos 200.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing kasama ng batang si John Cris Quirante ang kaniyang ina nang bumisita muli sa Vicente Sotto Medical Center sa Cebu para sa kanyang lingguhang check-up.
Si Quirante ang may kondisyon na "hyperdontia" o sobra- sobra ang dami ng ngipin.
Labis ang pasasalamat ng nanay ni Quirante dahil matapos maipalabas sa programang "Kapuso Mo Jessica Soho" ang kuwento ng anak, bumuhos na umano ang tulong para sa kanila.
Bukod dito, ipinatingin na rin si Quirante isang espesyalista sa isang pribadong ospital para sa ikabubuti ng bata. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular