Filtered By: Topstories
News

Subungan ng mga gagamba, sinalakay; 36 katao, nadakip


Nasa 36 katao ang nadakip ng mga awtoridad nang salakayin ang isang iligal na sabungan sa Kidapawan City sa Cotabato na mga gagamba ang pinaglalaban sa halip na mga manok.

Sa ulat na Julius Belacaol sa GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Miyerkules, sinabing dalawa sa 36 na naaktuhang pumupusta sa sabong ng mga gagamba ang nadakip ng mga pulis.



Pinalaya rin kaagad ang mga menor de edad.

Ilan umano sa mga nagsusugal ay galing pa ibang lugar tulad ng Davao del Sur.

Sinalakay ng mga awtoridad ang sabungan dahil isa itong uri ng iligal na sugal.

Nakuha sa mga nadakip ang mga gagambang nakalagay sa iba't ibang lalagyan at kinumpiska rin ang perang ginagamit sa sugal.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga naaresto. -- FRJ, GMA News