Filtered By: Topstories
News

Trapik sa EDSA, masikip kahit hindi rush hour


Mabigat pa rin ang traffic sa EDSA kahit hindi rush hour noong Miyerkules, at kahit pinangunahan na ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) ang pagmamando sa trapiko.

Ayon sa ulat ng "News To Go" nitong Huwebes, nagreklamo ang ilang mga motorista dahil kahit alas-nueve na ng gabi noong Miyerkules matrapik pa rin sa EDSA.

Samantala, sa ulat ng "Unang Hirit" nito ring Huwebes, sinabing mabigat pa rin ang daloy ng trapiko sa EDSA sa Quezon City kahit hindi rush hour at kahit sa mga lugar na hindi naapektuhan ng baha dahil sa malakas na ulan noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat, mabigat din ang daloy ng trapiko sa EDSA-Ayala sa Makati noong Miyerkules ng gabi kahit walang ulan at baha doon.

Dagdag pa ng ulat, halos buong araw na mabigat ang daloy ng traffic sa ESDA sa araw na iyon, at dagdag-trapik pa umano ang ilang mga motoristang nasiraan ng sasakyan o kaya'y nasangkot sa mga "minor road incidents."

Mabigat din ang traffic sa EDSA at Roxas Boulevard nitong Huwebes bago pa man sumapit ang rush hours.

Ngunit, iginiit ng HPG na kahit papaano ay naibsan ang traffic nitong mga nakaraang araw, ayon naman sa ulat ng dzBB.

'Productivity' nabawasan

Noong Miyerkules, sinabi ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na malaking kabawasan sa "productivity" ng mga maggagawa at mga kumpanya ang matinding trapik sa Metro Manila at nakababawas din umano ito sa kakayahang makipagkumpetensya ang mga lokal na industriya.

"A number of employers have resorted to flexitime so their workers could avoid the rush hours in their daily commute," ayon kay ECOP president Edgardo Lacson.

Nagmungkahi ang ECOP ng ilang umano'y "short- and long-term measures" upang mabawasan ang traffic sa Metro Manila.

Mga mungkahi ng ECOP

Sa short-term, dapat umano ipatupad ang mga sumusunod:

Discipline drivers, motorists, commuters and pedestrians by training them on road use protocols

Adopt a point system against traffic violators through citation tickets that results in suspension or revocation of a driver's license

Periodic checks for old vehicles

Car pooling must be encouraged or mandated through road use fees

Replace the boundary system for drivers of public vehicles with a fixed-salary compensation and overtime pay

Disallow provincial buses from plying Metro Manila's streets

Encourage the Land Transportation Franchising and Regulatory Board to be prudent in issuing franchise permits to new bus operators

Pangmatagalang solution

Ayon sa ECOP, ang mga sumusunod ay mga tinatawag nilang solusyon sa problema sa traffic:

Upgrading and widening of roads and expanding and improving Metro Rail Transit and Light Rail Transit systems

Complete the circumferential road links and connect the C5 to the Skyway

Implement the plan for total rehabilitation and extension of the railway system to allow cargo deliveries by railway cars

Develop river transport and alternate routes for vehicles, while removing the "colorum" public transport and synchronizing the international transport system

—LBG, GMA News