TRIVIA: Ang mga pangunahing diyalekto o salita na ginagamit sa Pilipinas
Alam ba ninyo kung ano-ano ang mga pangunahing diyalekto o salita na ginagamit sa mga tahanan sa buong bansa maliban sa ating pambansang wikang Filipino?
Basahin: Ang pagbabago ng Wikang Pambansa sa ating mga Saligang Batas
Batay sa isinagawang pag-aaral ng National Statistics Office (NSO) sa 2000 Census of Population and Housing (CPH), lumilitaw na tinatayang mayroong 150 diyalekta at lenggwahe mayroon tayo sa Pilipinas.
Pangunahing ginagamit sa mga tahanan ang Tagalog, na sinundan ng Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano, Ilocano, at Hiligaynon/Ilonggo.
Nasa top 10 naman na gamit sa pakikipag-usap ang Bikol/Bicol, Waray, Kapampangan, Pangasinan/Panggalato, Maguindanao at Tausug.
Taong 1937 nang itatag ang Institute of National Language, ang kauna-unahang ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay pagyamanin ang pambansang wika ng Pilipinas.
Nalikha ang INL sa bisa ng Commonwealth Act No. 184.
Napalitan ang NIL ng Institute of Philippine Languages (IPL) noong Enero 1987 sa bisa naman ng Executive Order No. 117 ni dating Pangulong Corazon Aquino.
Pagsapit ng Aug. 14, 1991, ipinasa ang Republic Act No. 7104 upang lusawin ang IPL at pinalitan ng Commission on the Filipino Language (CFL), na mas kilala rin sa tawag na Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). -- FRJimenez, GMA News