Filtered By: Topstories
News
Hikaw ng ina, aksidenteng na-shoot sa bibig at nalunok ng kaniyang baby
Isinugod sa ospital ang isang sanggol na dalawang buwang gulang nang aksidente nitong makalunok ang nalaglag na hikaw ng kaniyang ina sa Kalibo, Aklan.
Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Miyerkules, ikinuwento ng nanay ng biktima na karga niya ang anak nang mahulog ang kaniyang suot na hikaw at diretso sa bibig ng sanggol.
Isinugod ang sanggol sa ospital kung saan sinuri siya ng mga duktor.
Nakita umanong nakabara sa lalamunan ng sanggol ang hikaw.
Nananatili sa surgical ward ang sanggol para maobserbahan pero hindi pa tiyak kung isasailalim siya sa operasyon.
More Videos
Most Popular