ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ang Plaza Lawton sa Maynila


Bago naging paboritong pagdausan ng kilos protesta, ang Liwasang Bonifacio sa Maynila ay mas kilala sa tawag na Plaza Lawton. Alam nyo ba na ipinangalan ang lugar na ito sa isang US General na napatay sa Pilipinas. Disyembre 19, 1899, habang umuulan ng malakas nang barilin ng isang sniper na katipunero si Major General Henry W. Lawton sa kabundukan ng San Mateo sa Rizal. Iginigiya ni Lawton ang kanyang mga tauhan paakyat sa San Mateo na mas kilala sa tawag na “Battle of Paye" nang mahagip ito ng bala ng katipunero sa dibdib. Ang sniper na ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni Licerio Geronimo noong kainitan ng digmaan ng Pilipinas at Amerika. Sa kabila nito, kinilala pa rin ng mga Filipino si Lawton bilang “officer and gentleman." At bilang alaala sa magiting na heneral ay ipinangalan sa kanya ang Plaza Lawton at inilagay rin ang kanyang larawan sa pera ng Pilipinas noong 1920s. - GMANews.TV

Tags: pinoytrivia