Filtered By: Topstories
News
Ang Flores de Mayo ay hindi Santacruzan
By MICHAEL CHARLESTON XIAO BRIONES CHUA?
Ang Mayo ay buwan ng mga piyesta. Ngunit kung akala natin ay nakuha natin ng tradisyon na ito nang lubusan mula sa mga Espanyol, nagkakamali tayo.
1. KATUTUBO RIN ANG PIYESTA
Sa unang tingin, ang piyesta ay nakuha natin mula sa mga Espanyol bilang pasasalamat sa mga araw ng mga santong Katoliko. Ngunit sa mas malalimang pagtingin, inangkin natin ito sa pamamagitan ng paghahalo ng sinauna nating mga ritwal sa ating mga ninunong anito bilang pasasalamat sa isang masaganang ani.
Sa ating bansa, isang popular na santo ay ang patron ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador, isang ordinaryong magsasaka na taga Madrid. Kilala siya bilang mapagkawanggawa. Nagpakain siya ng mga mahihirap at namatay noong May 15, 1130.
Sa lalawigan ng Tayabas na ngayon ay Quezon, panahon pa lamang ng pagdating mga Espanyol, dinadala ng mga taga-Lucban ang kanilang pinakamagagandang ani sa simbahan at ito ay binebendisyunan ng pari. Pagpapatuloy ito ng mga tradisyon ng kanilang mga ninuno na pag-aalay ng mga ani sa Bathala at sa mga anito.
Ito ang naging pagsisimula ng ngayon ay kilalang pista sa Lukban, Quezon, ang Pahiyas.

Ayon sa mga alamat, nang matagpuan daw ang larawan ng Mahal na Birhen ng Dolores sa Lawa ng Bae sa Pakil, Laguna, hindi raw ito mabuhat at madala sa simbahan kaya sinayaw na lamang ito ng mga kababaihan sa sayaw ng kanilang mga ninuno.
Milagro daw na nabuhat ng taumbayan ang larawan kaya naman, ang prusisyon tuwing Mayo 12 ay hinaluan ng sinaunang sayaw ng mga katutubo: niyuyugyog nang todo ang mahal na birhen ng Turumba.
Milagro daw na nabuhat ng taumbayan ang larawan kaya naman, ang prusisyon tuwing Mayo 12 ay hinaluan ng sinaunang sayaw ng mga katutubo: niyuyugyog nang todo ang mahal na birhen ng Turumba.
2. ANG FLORES DE MAYO AY HINDI SANTACRUZAN
Napagkakamalan ng iba na tawagin ang Santacruzan na Flores de Mayo. Kailangang liwanagin na magkaiba ang Flores de Mayo at Santacruzan. Magkaiba ang pakay ng mga ito.
Ang Flores de Mayo ay pagbibigay-pugay sa Ina ni Hesukristo na si Maria. Sinimulan ito noong 1854 nang iproklama ang dogma ng Santo Papa na si Maria ay ipinaglihi ni Santa Ana nang walang kasalanang mana - Immaculada Concepcion.
Kaakibat nito, noong 1867, isinalin ni Padre Mariano Sevilla ng Bulacan ang debosyunal na "Flores de María" bilang "Mariquit na Bulaklak na sa Pagninilay-nilay sa Buong Buwan ng Mayo ay Inihahandog ng mga Deboto kay María Santísima."
Sa buwan na ito, nag-aalay ng mga bulaklak at panalangin para kay Maria ang taumbayan sa mga simbahan.
Ang huling bahagi ng Flores de Mayo ay ang Santacruzan.
3. HINDI DAPAT MAGKAEDAD ANG REYNA ELENA AT ANG KONSTANTINO
Ang Santacruzan ay isang prusisyon na tulad ng ginagawa rin sa mga piyesta. Subalit hindi mga estatwa kundi mga aktwal na tao ang kumakatawan sa mga banal na babae sa Bibliya tulad nina Judith at Esther, sa mga katangian ni Maria tulad ng Reina Justicia at Divina Pastora, at kina Reyna Elena at Konstantino.
Santacruzan sapagkat ginugunita nila ang pagkahanap diumano ng krus na pinagpakuan sa mahal na Panginoong Hesukristo na ang kapistahan ay Mayo 3.
Ayon sa kuwento, nang ang paganong anak ni Emperatriz Elena na si Emperador Konstantino ay minsang makikipaglaban, nakita raw niya ang tanda ng Santa Cruz na kinamatayan ni Kristo sa kalangitan. Narinig daw niya ang bilin na “In Hoc Signo Vinces”—Sa sagisag na ito, manakop!
Iniutos ni Konstantino na ilagay ang krus sa mga kalasag ng kanyang hukbo. Napagwagian niya ang mga digmaang hinarap.
Iniutos ni Konstantino na ilagay ang krus sa mga kalasag ng kanyang hukbo. Napagwagian niya ang mga digmaang hinarap.
Totoo man ang kuwento o hindi, ginamit niya ang krus at ang iisang Diyos ng mga Kristiyano, upang pag-isahin ang Imperyo Romano. Kung iisa ang Diyos, iisa dapat ang kanilang pinuno.
Ang Emperatriz Elena naman ay nagpatayo ng mga simbahan sa Roma, Konstantinopla, at Palestina.
Noong 326 AD, 75 years old na ang lola nang magperigrinasyon sa Herusalem. Doon, ipinahukay niya ang Golgotha o Kalbaryo upang patayuan ng simbahan na kilala ngayon sa tawag na Church of the Holy Sepulchre.

Ayon sa alamat, tatlong krus ang kanilang nakita. Upang malaman kung saang krus namatay si Kristo, pinahiga niya ang isang maysakit na alalay sa isang krus. Nang gumaling ang maysakit, ito ang ipinalagay na krus ni Kristo.
Hinati-hati raw ang krus na ito pagdating ng panahon at noong 2005, isang pinaniniwalaang bahagi ng tunay na krus ni Kristo ay napadpad sa isa sa mga bundok ng San Jose, Tarlac at nabibista ng mga kapatid nating Katoliko sa Monasterio de Tarlac.
Ang Santacruzan ngayon ay kilala rin bilang parada ng pinakamagagandang binata at dalaga sa isang bayan, o kung hindi man, parada ng mga imbitadong sikat na mga artista.
Bagama’t hindi naman masamang gawing fashion show ang tradisyon na ito, dahil ang kultura ay nagbabago at umaayon sa agos ng panahon, hindi dapat mawala ang tunay nitong konteksyo sa relihiyon at kasaysayan.

Dahil ginawa nating fashion show ang Santacruzan, nakikita natin ngayon na rumarampa ang mga magaganda at batang Reyna Elena kasama ang kaedad nilang konsorte na Konstantino.
Noong unang panahon, batang maliit ito dahil mag-ina at hindi mag-asawa sina Elena at Konstantino.
Baka mas mainam pa, ipagdiwang natin ang ating mga lola, gawin natin silang Reyna Elena tulad ng tunay na Reyna Elena!

Ayon sa ilan, ang piyesta ay isang masamang impluwensya dahil tinuruan tayo nitong gumastos nang marangya kahit walang pera, hanggang sa mangutang ang ilan sa atin para lamang mairaos ito.
Ngunit sa isang banda, ang mga kapistahan na ito ay salamin din ng makulay at mayaman nating kultura. Mula ito sa pagsasanib ng kanluranin at katutubong tradisyon, at sa mukha ng ating bayan bilang isang mapagpasalamat na mamamayan.

Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang historyador na naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at Ilustrado. Ang sanaysay na ito ay batay sa kanyang news segment sa “Xiao Time: Ako ay Pilipino” sa istasyong pantelebisyon ng pamahalaan.
Tags: santacruzan, floresdemayo
More Videos
Most Popular