Filtered By: Topstories
News
Demo flight: Bagong Airbus A350, sinubukan ng mga opisyales at cabin crew ng CebuPac at PAL
By EARL VICTOR L. ROSERO, GMA News
Sa isang pambihirang pagkakataon, nagsama-sama sa isang flight ng eroplano noong Miyerkules nang hapon ang ilan sa pinakamatataas na opisyal ng bagong Airbus, Cebu Pacific, at Philippine Airlines. Kasama rin sa naturang flight ang ilang cabin crew ng dalawang lokal na airlines. Nangyari ito sa isang demonstration flight ng pinakabago at pinaka-modernong jet ng Airbus – ang A350 XWB.
Magkasama sa business class section sina Cebu Air Inc. president and chief operating officer Lance Y. Gokongwei at si PAL president and chief operating officer Jaime J. Bautista.
Pinamunuan ni Airbus executive vice president for Asia Jean-Francois Laval ang pag-welcome sa mga ehekutibo ng local airlines, mga opisyales ng Aquino administration, at ilang kagawad ng media. Naroon din si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras bilang kinatawan ng Malacañang.

Ang demo flight ay nagsimula at nagtapos sa NAIA Centennial Terminal, o Terminal 2.
Inilahad ng mga opisyal ng Airbus na 40 kliyente nila ang nakapag-order na ng 780 units ng bagong eroplano na ang halaga ay mula $301M hanggang $350M bawat isa, depende sa passenger capacity nito.
Hindi kabilang ang PAL at Cebu Pacific sa mga nakapag-order na. Nilinaw ng mga opisyal ng Airbus na wala pa silang senyales na natatanggap mula sa dalawang lokal na airlines.
Sa press briefing bago sumahimpapawid ang Airbus A350 demo flight, wala pang tiyak na pahiwatig mula kina Gokongwei at Bautista kung bibili sila.
Ayon kay Gokongwei, titingan nila kung ang A350 ay tugma sa kanilang mga istratehiya habang tugon naman ni Bautista ay "pag-aaralan pa nila."
Ang mga pasahero ng demo flight ay dinala ng isang shuttle bus mula sa presidential lounge ng NAIA Terminal 2 tungo sa eroplano.
Ilang sandali pa ay tumambad na sa mga sumama sa demo flight ang dambuhalang eroplano na may dambuhalang Rolls Royce Trent XWB engines.

By Earl Rosero
Mayroong tatlong modelo ang A350 XWB: ang A350-800 na may kapasidad na 280 pasahero; ang A350-900 na kayang magsakay ng 325 pasahero; at and A350-1000 na may kapasidad na 366.
Ginamit naman sa demonstration flight A350, isang flight test aircraft na may 42 seats sa business class at 210 seats sa economy section.

Samantala, ang A350-900 ay may haba na 66.80 metro at may wing span na 64.75 metro. Ayon sa mga datos ng Airbus, ang A350-1000 naman ay may haba 73.78 metro at bahagyang matangkad ( 17.08 metro) kumpara sa 17.05 metro ng A350-900.
Kung pag-uusapan ang jet fuelvolume, ang A350-900 ay may kapasidad na 156,000 litro, habang ang dalawang iba pang modelo ay parehong may kakayahang magkarga ng 141,000 litro.
Sa loob ng eroplano
E. Rosero
Sumalubong agad sa mga pasahero ng demo flight ang dalawang set ng cabin crew ng PAL at Cebu Pacific. Pambihira umano itong mangyari at baka ngayon pa lamang dahil lamang sa bagong eroplano ng Airbus.

Sa business class, maaring makahiga ng komportable ang pasahero. Magkakatabi ang hanggang apat na pasahero sa bahaging ito ng eroplano sa isang “four abreast configuration” kumpara sa tatlong magkakatabi sa economy sa tatlong hanay ng upuan na pinaghihiwalay ng dalawang magkahiwalay na aisle.
Nahahati sa dalawang bahagi ang economy section ng demo A350-900. Sa ikalawa ay naroon ang “special on-board flight test equipment” kung saan minamatyagan ng dalawang flight engineer ang tila bawat tibok ng puso ng high-tech na eroplano. Kita rin nila sa monitors ang cockpit crew at ang mga instrumento nito.
E. Rosero
Nakakalat sa ibat-ibang bahagi ng eroplano ang ilang sensors o instrumento. Paliwanag ni flight engineer Philippe Foucault na isang aspeto ng kanilang misyon sa mga demo flight ay ang malaman kung gaano magiging komportable ang pasahero. Kabilang sa mga minamatyagan nila ay ang temperatura at cabin pressure sa loob ng eroplano mula bago mag-take-off hanggang sa huminto ang eroplano matapos mag-landing o lumapag.

Ang flight safety reminders ay ipinakita sa pamamagitan ng isang video na maaring mapanood sa video screens. Mayroong video screen para sa bawat pasahero.
Ang nakakaaliw pa ay maari mong makita ang nakikita ng mga video camera nakakabit sa labas ng eroplano.
Ang unang camera ay nasa buntot at ito ay nakaharap sa bawat daraanan ng eroplano. Makikita mo sa camera 1 ang pag-taxi, pag-take-off, at paglapag ng eroplano.
Ang ikalawang camera ay nasa ilalim o belly ng aircraft para maaring makita ang dagat o lupa na nasa ilalim ng jet habang ito ay lumilipad.
Matapos makapag-take off, nagsalita sa onboard public address system ang kapitan. Isa't-kalahating oras lang ang flight palibot sa kalakhang bahagi ng Luzon.
Makaraan ang ilang minuto, ang boses ni EVP Laval ng Airbus ang nagmula sa onboard speakers.
Ibinida ni Laval ang fuel efficiency ng A350. Mas matipid daw nga 25 percent ang eroplano at malaking dahilang nito ay ang pagkakagawa ng eroplano at materyales nito. Mas mababa naman ang fuel emissions.
Ang fuel efficiency, ayon sa press kit ng Airbus, ay kumpara sa Boeing 777 aircraft mula sa katunggali nilang kumpanya.
'Di bababa sa 70 percent ng buong eroplano ay gawa sa “advanced materials” tulad ng “composites” (53 percent) at titanium at “advanced aluminium alloys,” sabi ng Airbus.
Gawa naman sa bagong carbon fiber reinforced plastic ang fuselage o katawan ng eroplano.
Pinangalanang XWB ang A350 dahil sa mas maluwag ito sa loob: 221 inches ang lapad ng espasyo sa pagitan ng dalawang dingding. Ayon sa Airbus, lamang ang A350 ng 6 na pulgada sa lapad kumpara sa Boeing 787.
Sa panayam, ipinaliwanag ni flight engineer Philippe Foucault na maaring paliparin ang A350 ng mga pilotong nakakapagpiloto na ng A330. Madali na umanong maunawaan ng pilot ang mga dagdag na kakayahan ng A350 na wala sa A330. — LBG/GMA News
More Videos
Most Popular