Filtered By: Topstories
News
Hindi kay Andres Bonifacio ipinangalan ang 'Boni Avenue' sa Mandaluyong
Isa sa mga kilalang kalye sa Mandaluyong city ang "Boni Avenue." Pero ang maling akala ng marami, sa bayaning si Andres Bonifacio ipinangalan ang naturang kalye.
Ang Boni Avenue ay ipinangalan kay Bonifacio Javier, nagsilbing alkalde ng lungsod noong 1945 hanggang 1955 at 1960 hanggang 1962.
Maliban sa pagiging alkalde, magiting na lider ng guerilla movement si "Boni" na lumaban sa mga mananakop na Hapon.
Pumanaw si Boni habang nanunungkulan bilang alkalde noong 1962 sa edad na 68.
Ang isa niyang anak na si Filemon ay naging alkalde rin ng Mandaluyong noong 1964 hanggang 1971.-- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular