5 kaso laban kay Bejo Romualdez ibinasura ng Sandiganbayan
Ibinasura nitong Martes ng Sandiganbayan ang limang kaso ng katiwalian na isinampa ng pamahalaan laban kay outgoing Tacloban City Mayor Alfredo âBejoâ Romualdez, kapatid ni dating first lady Imelda Marcos. Sa 42-pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Edilberto Sandoval, idineklara ng second division ng Sandiganbayan na bigo ang panig ng prosekusyon na makapagpakita ng katibayan na magdidiin kay Romualdez na ginamit nito ang impluwensya ng mga Marcoses para pumasok sa mga maanomalyang transaksyon sa negosyo. Inakusahan ng pamahalaan ang 72-anyos na si Romualdez na sangkot sa kwestyunableng pagkuha ng mga Marcos at cronies nito sa Philippine Smelters Corporation (PASAR) at Bataan Shipyard and Engineering Company Inc. (BASECO). Iginiit ng prosekusyon na si Romualdez ang majority owner ng PASAR gamit ang dummy na si Jose T. Marcelo. Samantala, ang Baseco naman pag-aari umano ng mga Marcos. Noong 1974, binili ng Baseco ang 300-hektarya ng lupain sa Mariveles, Bataan na pag-aari ng Export Processing Zone Authority (EPZA) sa halagang P10.05 milyon. Nalugi umano ang gobyerno sa nasabing bentahan dahil ang tunay na halaga ng lupain ay P40.96 milyon. Nang sumunod na taon, nakuha naman ng Baseco ang lahat ng estrukturang nakatayo sa Engineerâs Island ng National Shipyard and Steel Corporation (Nassco) sa halagang P5 milyon. Taong 1976, nakuha ng PASAR ang 50-hektaryang ari-arian sa Jose Panganiban, Camarines na pag-aari ng Jose Panganiban Smelting Plant sa halagang P85,144.50. Naniniwala ang Office of the Ombudsman na ang naturang bentahan ay sobrang undervalued dahil ang fair market price ng ari-arian ng panahong iyon ay P862,150. Nabili naman ng Baseco noong 1977 ang 4.65-hektaryang âEngineerâs Islandâ sa Port Area Manila sa halagang P4.42 milyon bagaman ang presyo umano nito ayon sa mga abogado ng pamahalaan ay P12.02 milyon. Samantala, noong 1979 ay ginamit umano ni Romualdez ang impluwensya nito para kunin naman ng Baseco ang 3,343-square meter na âPandacan Slipwayâ property sa Sta. Mesa, Manila. Ngunit para sa korte, nabigo ang prosekusyon na ipakita sa kanilang kaso ang kaugnayan ni Romualdez sa mga Marcos. âThere was no proof whatsoever of the alleged relationship of the accused and former President Ferdinand Marcos as brother-in-law. The Court cannot just assume that their relationship exists at the time of the transaction. There was no stipulation between the parties with respect to this matter, and we feel such a circumstance is not covered by judicial notice," deklara ng korte. Bukod pa rito, hindi rin umano nag-abala ang prosekusyon na magprisinta ng mga katibayan na naganap ang mga nasabing transaksiyon. âEven a cursory perusal of the declaration of witnesses fails to show that the accused had intervened, or even attempted to, directly or indirectly in the sale. If we consider that the law contemplates actual intervention, we have a foregone conclusion that the prosecution miserably fails to do its task under the law to prove the assertion of the information," dagdag pa sa desisyon. âThe supposed acts of intervention, how, in what manner, when and under what circumstances were never proven by the Peopleâs proof. We say not even an attempt was done. It would appear, thus, in overview that the Peopleâs evidence are so bereft and wanting of even an inkling of the charges. Even its documents consist mainly of photo or xerox copies," pagtatapos ng korte. - GMANews.TV