Filtered By: Topstories
News

Dapat bang limitahan ang bilang ng hayop na puwedeng alagaan?


Naging kontrobersiyal ang isang ordinansa na ipinasa ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na nagtatakda na hanggang apat lang ang puwedeng alagaang hayop (aso at pusa) sa bahay. Kapag sumobra sa bilang, mayroong karagdagang dapat na bayaran ang kanilang amo.

Sinasabing layunin ng ipinasang Quezon City Council Ordinance No. 2386, ay matugunan ang tumataas na bilang ng insidente ng rabies sa lungsod. Mas marami nga naman ang hayop, mas mataas ang posibilidad na makakagat ito ng tao.

May mga tao rin na mahilig mag-alaga ng maraming hayop pero hindi naman naasikaso hanggang sa mapunta na lamang sa lansangan ang kanilang mga alaga at doon maaaring makadisgrasya.

Nakasaad sa ordinansa ang ilang rekisitos sa pag-aalaga ng hayop katulad ng takdang sukat o espasyo sa paglalagyan ng hayop, pagpaparehistro ng mga hayop ng P200 bawat isa, at dapat mayroon itong anti-rabies vaccination.

Ang lalabag sa ordinansa, maaaring pagmultahin ng P2,000. Kung negosyo ang pagpaparami ng hayop, maaaring kumpiskahin ang kanilang permit.

Ngunit iba ang pangamba rito ng ilang pet lover tulad ng aktres na si Heart Evengelista, na kaanib ng animal rights group na Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Sa kaniyang social media, inihayag ng aktres ang kaniyang pagtutol sa ordinansa at nakiisa siya sa mga nanawagan na ibasura ang naturang lokal na batas.

Pangamba ni Evangelista, posibleng dumami ang mga hayop na mapupunta sa kalye dahil iaabandona ng mga nag-aalaga ang kanilang hayop kapag humigit ito sa itinatakdang bilang na apat.

“I’d like to think that they had good intentions in passing the ordinance and while I agree with some of its provisions…Animal welfare is not about this. Abandonment of dogs/cats is punishable by law and this totally goes against it,” paliwanag ni Evangelista sa kaniyang post sa Instagram.

Patuloy pa niya, “It promotes dog/cat lovers to abandon their dogs no matter what age and how long they have had the dog/cat in their home. Pet abandonment is a crime under amended AWA. If people are imposed penalties or fees for having more than four pets…this may increase the incidence of pet abandonments.”

Pinuna rin niya na tila hindi nakonsulta ang publiko nang panahon na dinidinig o pinagdedebatihan pa lang sa konseho ang naturang ordinansa.

Kasunod nito ay nagsagawa rin ng protesta ang PAWS para hilingin sa lokal na pamahalaan na ibasura ang Ordinance No. 2386, na tiyak daw na makakaapekto sa mga taong handang kumopkop sa mga inaabandona at pagala-galang hayop.

Gayunman, maaari raw na mabasura ang Ordinance No. 2386, dahil naman sa isa pang ipinasang Ordinance No. 2389, o ang Quezon City Veterinary Code, ayon kay Vice Mayor Joy Belmonte.

Paliwanag ng bise alkalde sa kaniyang Facebook post, napirmahan na ni Mayor Herbert Bautista ang Ordinance No. 2389 noong Marso 26, na mas malaganap ang nasasakop.

"It must be noted that a more recent measure was approved and signed into law on March 26, 2015 by Mayor Herbert M. Bautista known as the Quezon City Veterinary Code. The Veterinary Code updated and integrated all applicable laws and ordinances concerning animals to ensure they are in consonance with modern standards and practices and to provide a handy reference and guide for their implementation," paliwanag na bise alkalde na masasakop daw nito ang Ordinance No. 2386.

“We wish to reiterate that Quezon City is committed not only to protecting the well-being of its people, but also their pets and bears their constituents’ best interests in mind with regard to pet ownership. However, we also emphasize that owning pets entails certain responsibilities that must be strictly observed for the good of the general public,” dagdag pa ni Belmonte.

Pero may pangamba pa rin na maaaring maipasok sa implementing rules and regulations (IRR) for Ordinance No. 2389 ang ilang probisyon sa Ordinance No. 2386, o baka hindi tuluyang malusaw ang kontrobersiyal na ordinansa.

Kaya naman daw hihilingin pa rin ng PAWS na magkaroon ng legal na hakbang sa lungsod para tuluyang mapawalang bisa ang Ordinance No. 2386.

"As per our volunteer-lawyer, that the four pet per household limit in the Comprehensive Animal Regulation and Control Ordinance (Ordinance No 2386) does not appear in the QC Veterinary Code (Ordinance No. 2389) does not necessarily imply that the said limit has been repealed, as the subject matter of the two ordinances appears to be different," saad sa Facebook post ng PAWS.
 
Patuloy pa nito, "Much in the same way that the absence of the 3-term limit in the Local Government Code or LGC from the Animal Welfare Act (which was passed after the LGC), does not imply that the 3-term limit has been repealed."
 
"For this reason, PAWS will continue to push for a specific repealing document. The good news is that we will meet with Vice Mayor Joy Belmonte this afternoon who is open to working together with us to help come up with a comprehensive and better Pet Ordinance," ayon sa PAWS. -- FRJ, GMA News

Tags: talakayan