Filtered By: Topstories
News

Chicharong uod, patok sa isang pasyalan sa Bohol


Patok ngayon sa mga bumibisita sa isang pasyalan sa Bohol ang ibinebenta nilang chicharon na uod.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing malutong at maanghang ang tinatawag na "chichaworm."



Ang "chachaworm" ay pinapapak daw ng mga turista habang nag-iikot sa Bohol Python and Wildlife Park.

Ang pagngata sa malutong na uod ay sinasabayan naman ng kuwelang performance ng kilalang tour guide sa parke na si Marimar, bihasa sa paggaya sa tinig ng mga hayop sa lugar.

Tiniyak naman na malinis at masustansiya ang uod na ginagawang chicharon dahil cultured superworms ito na pinapakain ng organic na prutas at gulay. -- FRJ, GMA News