Filtered By: Topstories
News

Bagong laya sa Bilibid, dinakip ng mga pulis dahil sa iligal na droga


Isang lalaki na kalalaya lang noong Nobyembre sa New Bilibid Prison (NBP) ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa Cebu City dahil sa pagtutulak umano ng iligal na droga.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas nitong Martes, sinabing nadakip si Arman Jaca ng Cebu City Anti-illegal Drugs Task Group matapos ang tatlong linggong pagmamanman.



Nadakip si Jaca sa kaniyang bahay sa ikinasang ang buy-bust operation ng mga awtoridad.

Nakuha umano sa suspek ang ilang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon.

Napag-alaman na kalalaya lang ng suspek mula sa NBP noong Nobyembre matapos makulong din dahil sa kasong iligal na droga.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang suspek. -- FRJ, GMA News