Filtered By: Topstories
News

Elementary teacher, binaril at pinatay habang nagtuturo sa loob ng paaralan


Patay ang isang guro matapos siyang pagbabarilin ng mga suspek sa loob ng silid-aralan at sa harap mismo ng kaniyang grade five students sa North Cotabato.

Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Miyerkules ng gabi, kinilala ang biktima na si Morato Ampatuan, elementary school teacher sa paaralan sa President Roxas sa Cotabato.



Ayon sa pulisya, apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo ang dumating sa paaralan at binaril ang biktima mula sa bintana ng silid-aralan.

Hindi pa nakuntento ang mga suspek, pinasok pa nila ang biktima na nagkaklase noon nang pagbabarilin.

Isang batang babaeng estudyante ang nadamay at nasugatan sa pamamaril.

Ang rito o gantihan ng mga angkan ang sinisilip na anggulo ng mga pulis sa krimen. -- FRJ, GMA News

Tags: criimerate