Filtered By: Topstories
News

Sino ang national artist na gumuhit ng 'Markang Demonyo' ng Ginebra?


Kapag nabanggit ang nakalalasing na inuming Ginebra, ang label o drawing na "Markang Demonyo"-- na makikitang nakatumba ang demonyo at nakaamba si Saint Michael the Archangel, ang tiyak na papasok sa isip ng publiko. Kilala ba ninyo kung sinong national artist ang gumuhit nito?

Kasunod ng kaniyang pagpanaw noong 1972, idineklarang National Artist for Painting si Fernando Amorsolo, na isinilang sa Paco, Manila noong 1892. Kabilang sa mga sikat niyang obra ay ang “Dalagang Bukid” at “Mestiza.”

Pero noong kabataan niya, sinabing kinuha ng kumpanyang nasa likod ng gumagawa ng Ginebra ang serbisyo ni Amorsolo para gumuhit ng disenyo na gagamitin nila para sa nakalalasing na inumin.

Bumilib naman daw ang may-ari ng kumpanya na si Don Enrique Zobel sa nalikha ni Amorsolo at tinulungan niya ito na makapag-aral sa Madrid para mapahusay pa ang talento sa pagguhit. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia