Filtered By: Topstories
News

Pinakamalaking kampana ng simbahan sa Pilipinas


Gaano nga ba kalaki ang kinikilalang pinakamalaking kampana ng simbahan sa Pilipinas at saan ito matatagpuan?

Ang kinikilalang pinakamalaking kampanya ng simbahan sa Pilipinas ay matatagpuan sa Santa Monica Church sa Capiz, na unang itinatag ni Father Miguel Murguia noong 1774.

Nang masira ang simbahan dahil sa bagyo noong 1875, ipinagawa ito ni Fr. Jose Beloso.

Si Fr. Beloso rin ang nag-atas kay Don Juan Reina na mamahala sa pagpapagawa ng dambuhalang kampana mula sa 70 sako ng coins na nalikom sa publiko. May taas itong limang talampakan, diameter na pitong talampakan, at may bigat na 10,400 kilograms o 10.4 tonelada.

Sinasabing dinig ang tunog ng kampana hanggang sa layo na walong kilometro.

Noong 1997, idineklara ng National Historical Institute na isang historical landmark ang simbahan, at kinilala naman bilang national cultural treasure ng National Commission on Culture and the Arts noong 2004. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia