Filtered by: Topstories
News

Gamit ng Phivolcs na panukat sa pag-alsa ng lupa sa paligid ng Mayon, ninakaw


Kahit nag-aalburoto na ang bulkang Mayon sa Albay, may ilan pa rin ang nagsasamantala at nagawa pang nakawin kahit ang gamit ng Phivolcs.

Sa ulat ng GMA news Saksi nitong Biyernes ng gabi, sinabing sinira at ninakaw ang bakal sa ilang marker ng Phivolcs sa loob ng six-kilometer permanent danger zone.

Sinusukat pa naman ng marker ang pag-alsa ng lupa sa paligid ng bulkan.

Mabuti na lang umano at natuklasan kaagad ito Phivolcs kaya muling iniayos.



Samantala, para naman 'di na maging problema ang pondo tuwing maglilikas ng mga residente, pinag-aaralan na ng provincial government ng Albay na huwag nang pabalikin at permanente nang i-relocate ang mga nakatira sa danger zone.

Ito umano ang nakikitang pangmatagalang solusyon ng pamahalaan panlalawigan sa naturang problema.

Sa ngayon, partial relocation daw muna ang gagawin sa mga saklaw sa loob ng danger zone dahil napakalaking pondo ang kakailangan sa paglilipat ng tirahan ng mga tao.

Ayon kay Albay governor Joey Salceda, tinatayang P3.6 bilyon ang kakailangan para sa full relocation at hindi umano ito kakayanin ng lokal na pamahalaan. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT