Filtered by: Topstories
News

9 na preso, tumakas sa piitan sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Rizal


Sinamantala umano ng siyam na preso na nahaharap sa iba't ibang krimen ang malakas na ulan nitong Biyernes para tumakas sa istasyon ng pulisya sa Angono, Rizal.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabi umano ng pulisya na pumuga ang mga bilanggo nitong Biyernes ng madaling araw.



Tatlo sa mga tumakas ang nahuli at naibalik na sa piitan.

Tumanggi munang ibigay ng pulisya ang pangalan ng mga pumuga habang patuloy na tinutugis ang anim na iba pang nakalalaya. -- FRJ, GMA News

Tags: prisonbreak
LOADING CONTENT