Filtered By: Topstories
News

Sikat na simbahan na purong gawa sa bakal


Alam niyo ba kung saan makikita sa Pilipinas ang sikat na simbahan na purong gawa sa bakal na idinisenyo ni Genaro Palacios.

Ang all-steel church na San Sebastian Basilica ay matatagpuan sa Plaza del Carmen sa Quiapo area sa Manila, na sikat din dahil sa kaniyang natatanging Gothic architecture design.

Sinasabing pinasinayaan ang Basilica noong 1891, at kinilalang kauna-unahang simbahan sa Asya na gawa sa bakal. 

Sa ulat ng GMA News, sinabing may bahagi rin ng simbahan na idinisenyo umano ni Gustave Eiffel, ang lalaking nasa likod ng pamosong Eiffel Tower ng Paris.

IFrame






















Nagpasya umano ang mga namamahala sa simbahan nang panahon na iyon na gumawa ng mas matibay na istruktura matapos masunog at mawasak ng  lindol ang mga naunang simbahan na itinayo sa lugar.

Sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 260 na ipinalabas ng Malacañang noong 1973, isinama ang San Sebastian Basilica sa mga lugar at estruktura na kinilalang National Shrines, Monuments and/or Landmarks ng pamahalaan. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia