Filtered by: Topstories
News

Anong rehiyon ang nanguna sa paglago ng ekonomiya noong 2013?


Sa nagdaang taon, isang rehiyon sa lalawigan ang nakapagtala ng 9.4 porsiyentong paglago ng ekonomiya. Mas mataas ito kumpara sa naitalang paglago ng ekonomiya sa Metro Manila.

Batay sa talaan mula sa National Statistics Coordinating Board (NSCB),  sa 17 rehiyon sa bansa, ang Bicol region ang nakapagtala ng pinakamalaking paglago ng ekonomiya noong 2013.

Ang paglago ng ekonomiya sa Bicol region ay umabot sa 9.4 percent, mas mataas sa 6.9 percent growth na naitala nila noong 2012.

Sumunod sa Bicol region ang National Capital Region (NCR) na may paglago ng 9.1 percent. Pangatlo naman ang SOCCSKSARGEN region (8.4 percent); Caraga region (7.8 percent); at ang  Ilocos region (7.7 percent).

Ang rehiyon ng MIMAROPA ang may pinakamababang growth rate na 1.7 percent noong 2013, at sumunod ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na 3.6 percent.

Pero hindi katulad ng MIMAROPA na bumaba ang growth rate sa 4.8 percent na naitala noong 2012, nagawa ng ARMM na mapataas ang paglago ng kanilang ekonomiya noong 2013 kumpara sa 1.1 percent na naitala nila noong 2012. -- FRJ, GMA News

Tags: pinoytrivia
LOADING CONTENT