Filtered By: Topstories
News
Sanggol, tinakpan daw ang bibig hanggang mamatay; suspek, sariling ama
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang anim na buwang gulang na sanggol na babae sa Bago City, Negros Occidental, na sinasabing pinaslang ng sarili niyang ama.
Ayon sa ina ng bata, tinakpan ng kaniyang mister ang bibig ng kanilang anak hanggang sa mamatay.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad ang mister pero itinanggi nito ang paratang.
Giit niya, umalis siya ng bahay at patay na ang kanilang anak nang bumalik siya.
Gayunman, desidido ang ina ng sanggol na sampahan ng kasong infanticide ang asawa.
Patuloy namang magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para malaman kung sino ang pumatay sa biktima. -- FRJ, GMA News
Tags: childcrime
More Videos
Most Popular