Filtered By: Topstories
News
Tinatayang 80 porsiyento ng mga bahura ng Siargao, nasira na dahil sa dynamite fishing
Malawakan na ang pagkasira sa mga coral reef o bahura sa karagatan ng Siargao dahil sa umano'y talamak na dynamite fishing.
Sa ulat ng GMA news "Saksi" nitong Huwebes, ipinakita ang video footage kung saan ipinakita ang mga nasirang coral dahil daw sa iligal na uri ng pangingisda.
Sa pagtataya ng mga biologist, sinabing aabot na sa 80 porsiyento ng mga coral sa Siargao ang nasira na.
Dahil din sa pagdidinamita sa lugar, hindi bababa sa 24 na "pygmy sperm whale" ang namatay noong Sabado.
Panawagan ng mga eksperto, pangalagaan ang mga balyena at dolphin na nakatira sa karagatan ng Siargao, at parusahan ang mga mangingisdang gumagamit ng dinamita. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular