ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

5 opisyal ng Davao City Police, pumuslit daw sa surprise drug test


Limang opisyal ng Davao City Police ang sinasabing tumakas sa isinagawang surprise drug test sa nabanggit na himpilan ng pulisya.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabi ng hepe ng himpilan na biglang umalis ang lima at hindi na nagpakita pa mula nitong Lunes.



Binigyan daw ang mga umiskapong pulis ng hanggang nitong Martes para sumalang sa drug test. Kung hindi nila ito gagawin, sasampahan sila ng reklamo.

Ikinasa ang drug test kasunod ng mga sumbong na natatanggap ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may mga pulis na gumagamit ng iligal na droga. -- FRJ, GMA News