Filtered By: Topstories
News

#PaskongPinoy: Ano ang theme song ng Pasko mo?


Maliban sa bonus, party at mga regalong matatanggap o ibibigay ngayong Pasko, inaabangan din ng marami ang pagtugtog ng mga awiting pamasko na nagbibigay alaala sa kanilang buhay -- masaya man o malungkot.
 
O bakit kaya tuwing Pasko ay
Dumarating na
Ang bawat isa’y para bang
Namoroblema
Hindi mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay
 
- Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko ng APO Hiking Society
 
Dumaan man sa matitinding kalamidad at mga pagsubok ang mga Pinoy ngayong taon, hindi pa rin nawawala ang pag-asa lalo na at papalapit na ang Pasko na taun-taong pinaghahandaan ng pamilyang Pilipino.
 
Nang tanungin ng GMA News ang mga tweeps at YouScoopers kung ano ang theme song nila ngayong Pasko, marami sa kanila ang nagsabi na magiging malungkot ang kanilang Kapaskuhan dahil sa kalamidad na kanilang naranasan ngayong kasama na ang pananalasa ng Bagyong Yolanda sa Kabisayaan.
 
Ang iba naman, mapait umano ang kanilang Pasko kaugnay sa kanilang buhay pag-ibig. Gayunpaman, hindi nawawala ang antisipasyon ng mga Pinoy sa pagsapit ng Kapaskuhan lalo na nga raw ‘pag naibigay na ang inaasam na Christmas Bonus.
 
Ikaw, ano ang theme song ng Pasko mo? Makisama na sa diskusyon at gamitin ang hash tag na #PaskongPinoy. 
 
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana’y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
 
- Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko ng APO Hiking Society
 


                                                                                               -- RRDinglasan/FRJ, GMA News
Tags: talakayan