Filtered By: Topstories
News

#PaskongPinoy: Ano nga ba ang hiling ng mga Pinoy ngayong Pasko?


Ilang araw na lang at Pasko na. Nagsimula na ang Simbang Gabi kaya naman tuwing madaling araw ay amoy na bibingka at puto-bumbong na sa labas at ng mga simbahan.
 
Ayon sa kasabihan, kapag nakumpleto mo ang siyam na araw ng Misa de Gallo, matutupad ang iyong kahiliingan. Pero para naman sa iba na tamad gumising nang maaga, si Santa Claus and kanilang sandigan. Basta naging mabait at hindi pasaway, tiyak raw na may aginaldo mula sa mamang mataba na may puting balbas.
 
Pero sa panahon ito, ano na nga ba ang gustong matanggap na regalo ng mga Pinoy ngayong Pasko?
 
Gadgets ang karaniwang sagot na natanggap ng GMA News Social Media nang tanungin ang netizens tungkol sa aginaldong inaasam nila.
 
Pero marami rin naman ang humiling ng hindi materyal na bagay. May nagsabing hangad nila ang kapayapapaan at pag-iibigan sa pamilya, sa bansa at mundo, at mayroong nagnanais na maiwaksi ang mga kurakot sa gobyerno.
 
Hindi rin mawala ang hiling ng mga taong nakikiramay sa mga naapektuhan ng kalamidad ngayong taon.
 
Pero kung ikaw ang tatanungin, ano naman kaya ang hiling mo Kapuso? Makisama na sa diskusyon #PaskongPinoy.

 
    
                                                                                                 --RDinglasan/FRJ, GMA News