ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mag-ama sa CDO, dinakip dahil sa pag-iimprenta umano ng mga pekeng pera


Sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Cagayan de Oro city kung saan ginagawa umano ang mga pekeng pera.

Sa ulat ng GMA News TV's Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga pekeng P1,000 at P500, na ang katumbas na halaga ay umaabot sa P270,000.

May nakuha ring mga hindi pa napuputol na mga pekeng dayuhang pera tulad ng dolyar. Nakumpiska rin ang makinang pinaniniwalaang ginagamit sa pag-imprenta ng mga ito.



Dinakip ng mga awtoridad ang mag-amang lalaki na inabutan sa bahay.

Pero itinanggi ng nakatatandang lalaki na gumagawa sila ng mga pekeng pera at idinahilan na koleksyon lamang niya ang mga ito.

Gayunman, inamin nito na namemeke sila ng mga dokumento.

Patunoy naman ang paghahanap ng mga awtoridad sa iba pang posibleng kasamahan ng mag-ama. -- FRJ, GMA News
 

Tags: fakemoney, money