Filtered By: Topstories
News

Kasaysayan at kultura ng Muslim, nais ipaturo sa mga paaralan sa buong bansa


Nais ng isang kongresista mula sa Mindanao na isama sa curricula sa lahat ng paaralan sa bansa para maituro sa mga mag-aaral ang kasaysayan at kultura ng mga Muslim. Ang mungkahi ay nakapaloob sa inihaing panukalang batas ni Deputy Speaker at Lanao del Sur Rep. Pangalian Balindong, sa paniwala na makatutulong ito sa pagsusulong ng pagkakaisa at kapayapaan sa bansa. Sa House Bill 1446, inaatasan nito ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na isama sa aralin ng mga estudyante sa lahat ng antas ng paaralan sa bansa ang "history, culture and identity" ng mga Moro. Maaari umanong simulan ang pagtuturo nito sa mga paaralan na nasa Mindanao. “DepEd and CHED are likewise mandated to initiate and maintain regular programs and special projects to provide venues for information and discussion of Moro history, cultures and identity, including the utilization of informal education and other means to stress the importance of respect,” paliwanag ni Balindong sa panukala.   Maaari umanong isama sa ituturo sa curricula ang pag-unawa sa ugat ng kaguluhan at problema sa Mindanao, at ang epekto nito sa buong bansa. “The specific character of Mindanao as an island shared by these tri-peoples and thus the ideal of their equality, co-existence and unity, including the peculiarities of the different Moro and Lumad ethno-linguistic groups,” ayon sa kongresista. Kasabay nito, hindi rin umano dapat mawala sa aralin ang positibong aspeto sa kasaysayan ng tri-peoples ng Mindanao na mga Kristiyano, Moro o Muslim, at mga Lumad. “The identification of the common origins of the people of Mindanao and of the Philippines as well as other points of commonalities, including the positive presentation of these people before the arrival of Islam and Christianity as well as the appreciation of the various cultures and ethnic identities are also some of the key points to be emphasized,” mungkahi ni Balindong. - RP/FRJ, GMA News