Filtered By: Topstories
News
Sino ang unang Senate President ng Pilipinas?
Kilala niyo ba kung sinong senador ang kauna-unahang nahirang na lider ng Senado, na kalauna'y nahalal din na pangulo ng Pilipinas? Taong 1916 nang mahirang na Senate President si dating Senador Manuel L. Quezon, at tumagal ang kanyang pamumuno sa Mataas na Kapulungan hanggang 1935. Nang idaos ang panguluhang halalan noong 1935, si Quezon ang naging pambato ng Nacionalista Party, at nagwaging presidente ng Pilipinas hanggang 1944. - FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
More Videos
Most Popular