Filtered By: Topstories
News

PNoy, pinirmahan ang batas na magpatutupad ng programang K to 12 ng DepEd


Pinirmahan na ni Pangulong Aquino nitong Miyerkules ang batas na magdadagdag ng dalawa pang taon sa basic education sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Republic Act 10533, maisusulong na ang pagpatutupad ng "K to 12 program" ng gobyerno, na sinimulan na ng Department of Education (DepEd) sa mga paaralan sa buong bansa noong nakaraang akademikong taon.

Sa bagong batas, mababago na ang basic education program sa bansa – isang taon sa Kindergarten, anim na taon sa primary school, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa senior high school.

Kasama rin dito ang pagpatutupad ng mother-tongue-based multilingual education program, o ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Grade 1 hanggang 3.

Kasama sa pirmahan sina House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Education chief Br. Armin Luistro, at ang mga senador at miyembro ng Kamara na nag-akda ng panukala. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News