Filtered By: Topstories
News

Mga turista mula sa Europe, pinasyalan ang Hundred Islands sa Pangasinan


Ngayong bakasyon, hindi lamang ang mga lokal na turista ang nahahalina sa kagandahan ng Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Miyerkules, sinabing mahigit na 100 dayuhang turista mula sa Europe ang bumisita sa ipinagmamalaking pasyalan ng Pangasinan. Mainit naman silang tinanggap sa nabanggit na lugar, at hinandugan din sila ng munting pagtatanghal bago nila nilibot ang mga isla. Noong 2008, napabilang at naging cover pa ang Hundred Islands sa isang libro na lumabas sa United Kingdom na may titulong 501 Must Visit Islands. Pangunahing atraksiyon ng Hundred Islands ang pinong buhangin sa baybayin, mala-kristal na tubig at mga rock formation sa mga isla. - FRJ, GMA News